Umaasa ang Korea Basketball Association na payagan sila ng FIBA na magkaroon ng adjustments dahil sa marami sa kanilang mga miyembro ang nagpositibo sa COVID-19.
Ito ay ilang araw bago ang pagsisimula ng February window ng 2023 FIBA Basketball Wolrd Cup Asian Qualifiers.
Magpapadala lamang ang Korea ng 10 manlalaro dahil sa marami sa kasama nila ang dinapuan ng virus.
Kabilang na dinapuan at maituturing na close-contact person ay ang kanilang head coach na si Cho Sang-hyun.
Umaabot kasi sa tatlong mga manlalaro nila ang nagpositibo sa COVID-19 kung saan tatlo pa sa kanila ang itinuturing na close contacts.
Ang mga nagpositibo ay sina naturalized player Ricardo Ratliffe at 2020 Korean Basketball League MVP Heo Hooon.
Magsisimula sa Pebrero 24 ang FIBA World Cup Asian Qualifiers.