-- Advertisements --

CEBU – Kinumpirma ni Polce Brigadier General Roderick Augustus Alba, ang regional director ng Police Regional Office -Central Visayas, na hinarass umano ng mga miyembro ng Communist Terrorist Group ang ilang miyembro ng 2nd Platoon, 2nd PMFC ng Negros Oriental Police Provincial Office noong tanghali noong Nobyembre 1.

Ayon kay Alba na base sa ulat ng mga pulis na nakatalaga sa kanilang detatsment sa Barangay Trinidad, Guihulngan City, Negros Oriental na nagpaputok ang hindi pa nakikilalang miyembro ng CTG .

Dahilan para gumanti ang kapulisan sa pamamagitan ng pagpapaputok ng kanilang mga armas.

Walang nasaktan o nasawi sa panig ng pulisya gayundin sa kabilang panig.

Kasunod ng insidente, mas pinalakas pa ng concern unit ang kanilang camp defense.

Inalerto na ang dalawa pang platoon ng 2nd PMFC, kabilang ang kalapit na detatsment ng AFP at nangangalap na nang impormasyon ang mga intelligence operatives upang matukoy ang mga suspek para sa pagsasampa ng mga kasong kriminal.