Usap-usapan pa rin ngayon ang partisipasyon ng ilang miyembro ng US forces sa kampanya ng militar laban sa local terror group sa Marawi City.
Ang presensiya ng ilang dayuhang mga sundalo ay umabot na rin sa internet matapos na makunan ng video.
Kabilang sa nasabing video ay ang apat na American soldiers na nag-aayos ng kanilang drone o unmanned vehicles katabi ang isang pick up truck sa Marawi.
Sinasabing mag-aanim na araw na umanong tumutulong ang US forces sa AFP sa Marawi.
Noong nakaraang araw ay nakunan din ng larawan ang isa sa high tech na air asset ng Amerika na tinaguriang P-3 Orion plane na ginagamit sa intelligence, reconnaissance at surveillance aircraft.
Ang P-3 Orion ay minsan ay dine-deploy ng Amerika sa Pilipinas kung may war exercises, relief operations o kaya bumibisita ang kanilang presidente.
Dumipensa rin naman si Defense Secretary Delfin Lorenzana sa naibibigay na tulong ng P-3 Orion lalo na sa isyu ng reconnaisance, surveillance at intelligence information para sa ground troops.
“This plane can take pictures of the ground, has several optics like cameras, infra-red and thermal imaging. This P-3 Orion can be managed anywehere in the Philippines because it can download pictures,” ani Lorenzana.
Ang Lockheed P-3 Orion ay four-engine turboprop anti-submarine at maritime surveillance aircraft na unang na-develope para sa United States Navy noong 1960s. Hanggang sa magkaroon na ito ng iba pang mga version.
Liban sa United States Navy ang iba pang mga bansa na prime users ng P-3 Orion ay ang Japan Maritime Self-Defense Force, Royal Australian Air Force at Republic of Korea Navy.
Kabilang sa feature nito na avionics ay Advanced Imaging Multispectral Sensor (AIMS), Multi-Mode Imaging System (MMIS), Radar Warning Receiver, 2 Specific Emitter Identification/Threat Warning at iba pa.
Una na ring umamin ang Pangulong Rodrigo Duterte at Estados Unidos sa ginagawang pag-asiste sa pamamagitan ng teknikal na aspeto ng mga US forces sa Pinoy troops sa kampanya laban Maute terror group sa siyudad ng Marawi.
Paliwanag naman ngayon ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, malinaw naman sa media interview na bilang commander-in-chief, pinapayagan ng Pangulong Duterte ang Department of National Defense (DND) at AFP na magdesisyon kung papaano ipatutupad ang Martial Law.
Ayon kay Abella, batay sa General Order No.1 para sa implementasyon ng Martial Law sa buong Mindanao, naitalaga ang Secretary of National Defense bilang Martial Law Administrator at Chief of Staff ng Armed Forces of the Philippines bilang Martial Law Implementor.
Sa nasabing direktiba, maaaring gawin ng SND at COS ang lahat ng paraan para masugpo at mapigilan ang lahat ng rebelyon at lawless violance kabilang na ang paghingi ng technical assistance mula sa US alinsunod sa pinapayagan at itinatadhana ng Saligang Batas.
“General Order No 1, dated May 23, which implements the proclamation of martial law in the whole of Mindanao designated the Secretary of National Defense as the Martial Law Administrator and the Chief of Staff of the Armed Forces of the Philippines as the Martial Law Implementor. They can undertake all measures to prevent and suppress all acts of rebellion and lawless violence, including seeking technical assistance from the United States, within the limits prescribed by the Constitution,†wika pa ni Abella.