-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY-Makikiisa pa rin ang mga kapatid nating Muslim sa panawagan ng gobyerno na ‘stay at home’ kahit sa pagsisimula ng kanilang Ramadan bukas.

Sinabi ni Almarim Centi Tillah, presidente ng Muslim Association of the Philippines, na dahil sa banta ng COVID-19 pipiliin muna nilang manatili sa kanilang bahay at dito na lamang magdasal kay ‘Allah’.

Nakasayan nila na magpunta sa kanilang simbahan tuwing ramadan upang sabay na magdasal at magkaroon ng salo-salo matapos ang buong araw na pagliban sa pagkain at pag-inum ng tubig ngunit iba ang maging sitwasyon nitong taon.

Aniya, dasal din nila kay Allah na matapos na ang problemang tinatamasan ngayon hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo na dulot ng coronavirus kung saan kumitil na ng maraming buhay upang maibalik na sa normal ang lahat.