-- Advertisements --
naga medico

NAGA CITY – Matiyagang naghintay ng magdamag sa lungsod ng Naga ang isang mag-ama na mula pa sa bayan ng Buhi, Camarines Sur para lamang maka-avail sa serbisyong hatod ng Bombo Medico 2019 ngayong araw.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Lauro Veras, sinabi nitong alas-2:00 pa ng hapon kahapon ng umalis sila sa kanilang bahay at nagtungo sa lungsod ng Naga.

Ayon kay Veras, kahit malayo ang kanilang lugar pinilit niyang makapunta sa lungsod para maka-avail ng libreng check up para sa Bombo Medico ngayong araw.

Aniya, wala silang pera para maipatingin sa doktor ang kanyang iniindang sakit sa likod at ang may anak na may kapansanan.

Sa kabila nito, labis naman ang nagpasalamat ni Veras sa Bombo Radyo sa tulong na hatid hindi lamang sa kanila ngunit maging sa iba pang mga nangangailangan.

Samantala, labis namang ikinatuwa ng mag-ama na makilala ang mga empleyado ng Bombo Radyo Naga na dati ay mga boses lamang aniya ang kanilang naririnig.