-- Advertisements --

Natagpuan na palutang-lutang sa Ganges River ng Northern India ang 40 bangkay mga na pinaniniwalaang namatay dahil sa coronavirus disease.

Wala pang eksaktong detalye kung saan nanggaling ang mga bangkay ngunit, dahil sa padami ng padami ang bilang ng mga namamatay kada araw dulot ng COVID-19, may posibilidad daw na sadyang itinapon ang mga ito sa ilog.

Hindi umano ito ang unang pagkakataon na may natagpuang mga patay na tao sa nasabing ilog.

May mga nagsasabi na nagmula sa Uttar Pradesh ang mga bangkay.

Tiniyak naman ng mga opisyal ng bansa na kanilang ililibing o isasailalim sa cremation ang mga narekober na cadavers.