-- Advertisements --
Bukas si Sen. Panfilo Lacson na ilahad sa hinaharap ang mga pangalan at iba pang hawak na impormasyon ukol kay Peter Advincula alyas Bikoy.
Ayon kay Lacson, hindi simpleng indibidwal si Advincula, dahil sa dami ng naging biktima nito.
Mas mahalaga aniyang malaman kung sino ang mga nasa likod nito dahil sa walang takot na pagtarget sa mga nakaupo sa pwesto mula noong Aquino administration, hanggang ngayong Duterte administration.
Aminado naman si Lacson na nasira ang una nilang planong ma-hold si Advincula dahil sa mga biglaang development nitong mga nakalipas na araw.