-- Advertisements --
May ginawang paraan ang ilang NBA players para sa kanilang mga fans habang isinasagawa ang lockdown dahil sa coronavirus pandemic.
Pangungunahan ni Oklahoma City Thunder star Chris Paul ang gagawing NBA HORSE challenge.
Sa nasabing laro, naka-livestream sa kani-kanilang mga bahay kung saan magpapagaligan sila ng pag-shoot ng bola.
Ang hindi makapasok ng bola at mabuo ang salitang HORSE ay siyang matatalo.
Kabilang sa napiling maglalaro ay si Atlanta Hawks 2020 NBA All-Star point Guard Trae Young at mga dating NBA players na sina Chauncey Billups at Paul Pierce ganun din si Basketball Hall of Famer Tamika Catchings.
Magdodonate naman ang mga sponsors ng nasabing laro ng $200,000 o katumbas ng P10 milyon para sa coronavirus relief efforts.