-- Advertisements --
Hindi na gaanong umaasa pa ang mga negosyante sa bansa na lalakas ang kanilang kita sa pagpasok ng third quarter ng taon at sa susunod na 12 buwan.
Ayon sa Business Expectations Survey ng the Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na bumaba ang demand sa mga construction supplies , personal care, health at ilang consumer products.
Lumabas din sa survey na ang mga consumers ay nababahala sa pagpasok ng third quarter dahil sa inaasahan nila ang mataas na inflation, mahinang kita at kakaunting mga trabaho.
Umaasa rin ang mga negosyante na ang inflation ay maglalaro ng hanggang 4.4 percent sa third quarter at 4.5 percent naman sa susunod na 12 buwan na ito ay mas mataas sa target ng BSP na two hanggang four percent.