Umapela ang ilang mga negosyante ng Metro Manila sa mga mambabatas na huwag ng ituloy ang legislated wage hike na naglalayong mabigyan ng P100 na dagdag sahod ang mga manggagawa.
Sinabi ni Philippine Chamber of Commerce and Industry-National Capital Region (PCCI-NCR) chapter Area Vice President Hernando Delizo, na karamihan sa kanilang miyembro sa Metro Manila ay service oriented business kung saan humaharap sila sa mga hamon gaya ng mataas na singil sa kuryente at manpower.
Ang nasabing hakbang ay magdudulot ng pagtaas din ng mga presyo ng bilihin at serbisyo.
Ilan sa mga maaaring resulta nito ay pagsasara ng mga negosyo o ipasa sa mga consumer ang taas na pasahod.
Umaasa ang grupo na magkaroon na reasonable ang ginagawang pag-review sa wage rates sa rehiyon dito sa National Capital Region.
Una ng isinusulong ng Labor groups ang pagtaas ng pasahod dahil sa patuloy na pagtaas din ng mga presyo ng mga bilihin.