-- Advertisements --

Nasa mahigit 50 micro, small and medium enterprises (MSME) ang naghain ng termporary closure notice sa Department of Labor and Employment (DOLE) dahil sa epekto pa rin ng coronavirus disease 2019 o COVID-19.

Ayon kay DOLE Secretary Silvestre Bello III, dahil dito ay nanganganib ang kapalaran ng nasa 190,000 na mga empleyado ng nabanggit na kumpanya.

Dagdag pa ng kalihim na mas pinili ng mga kumpanya na temporaryo silang magsara imbes na magpatupad ng flexible work arrangement.
Pinag-aaralang mabuti naman ng DOLE ang mga isinumite na notices ng nasabing mga kumpanya.

Magugunitang unang sinabi ng kalihim na nasa 2.6 milyon na mga empleyado ang nawalan ng trabaho dahil sa coronavirus pandemic.