-- Advertisements --

Ibinahagi ng isang Filipino healthcare worker sa New York ang iba’t-ibang pagsubok na kanilang kinakaharap bilang frontliners sa ngayo’y tinaguriang epicenter ng COVID-19.

Sa panayam ng Star FM Baguio kay Willie De Jesus, isang Physical Therapist Supervisor sa isang nursing home sa Queens, New York, na sa halip na dalhin pa sa ospital ay sa bahay na lamang ginagamot ang kanikanilang mga pasyente na hindi COVID-19 positive.

“Hindi na tumatanggap yung mga hospital dito ng pasyente, kasi puno na eh, so sabi nila, kapag may kaso na emergency, kailangan i-treat na lang daw sa facility. They cannot do anything. Hindi na pwedeng idala sa hospital, kasi wala ng lugar sa hospital.”

Inamin rin nito na maging ang testing ay nagiging limitado na rin at binibigyang prayoridad ang mga matatanda. 

“Yung testing kit ng mga coronavirus, nililimit na nila sa matatanda. Sa mga bata, hindi na tinetest eh kasi kulang ng testing kit. Yun ang problema namin.”

Matindi din aniya ang pangangailangan ngayon sa personal protective equipment dahil sa kakulangan sa supply. 

“Problem din kasi yung aming face mask na pino-provide sa amin. We are only allowed to use it for only 3 days. Every 3 days saka kami bibigyan ng bagong face mask. Wala kaming supplies. Like yung mga gowns na pino-provide, wala na rin.”

Ikinumpara rin nito ang kanilang pinagdadaanan ngayon sa noo’y naranasan sa 9/11 Terrorist Attack. 

“I think this is the worst kasi I’ve experienced before yung 9/11 terrorist attack. We were here so we know kung gaano rin kahirap. We had enough. Overdose na.” 

Sa gitna ng pagsubok ay kwento naman nitong sama-sama silang mga Pilipino na nagpapalakas ng loob ng bawat isa.

“Sana nga huminto na. Sana magkaroon na ng magandang solusyon sa nangyayari sa atin ngayon, kasi this one is really hitting hard on all of us sa buong mundo. Ang New York ang epicenter ng virus.