OFWs SA AMERIKA, HATI ANG DESISYON KUNG SINO ANG PAPANIGAN SA DALAWANG PRESIDENTIAL CANDIDATES SA 2020 US ELECTION
Unread post by starbacolod » Thu Oct 01, 2020 7:01 pm
STAR BACOLOD – Hati ang desisyon ng mga OFWs sa Amerika kung sino ang papanigan sa dalawang presidential candidates sa 2020 US Election matapos matunghayan ang naging debate nina President Donald Trump at Democrat rival nito na si Joe Biden.
Sa panayam sa dating Station Manager ng Star FM Bacolod na si Joemarie Arceo na kasalukuyang nasa California, USA, na parehong nakatanggap ng negatibong kritisismo ang dalawang partido sa kanilang unang face off.
Para kay Arceo na ngayon ay isa nang party DJ sa nasabing bansa, kahit unang edisyon pa lamang ng debate ng dalawang presidential runners, mas papanigan nila ang kandidatong marami nang nagawa para sa bansa.