LA UNION – Sa kabila ng pagnanais ng ilang mga overseas Filipino workers (OFW) sa China na makauwi sa Pilipinas ay may mga kababayan naman ang pipiliing magtiis muna sa kasalukuyang sitwasyon dahil sa coronavirus scare.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Jerrold Pascua na kasalukuyang nagtarabaho sa Henan, China, sinabi nito na gustuhin man nilang umuwi ng Pilipinas ay nanaisin niyang manatili muna sa tinutuluyan nilang hotel sa China.
Ayon kay Pascua, mahirap din ang magiging sitwasyon kung sakaling tutungo sila ng aiport dahil siguradong maraming tao doon na nagnanais umalis ng China at malapit sila sa pagkahawa ng sakit na dulot ng coronavirus.
Hindi naman sila aniya, pinababayaan ng kanilang Chinese employer sa kabila ng krisis sa naturang lugar.
Ang Henan, China ay naka-lock down na rin dahil sa ilang nahawa sa deadly virus.
Una rito, ilang OFW din ang nakausap ng Bombo Radyo sa Wuhan City na hindi sasama sa 40 kababayan na boluntaryong nagpasailalim sa repatriation pabalik ng Pilipinas