-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Nagpapatuloy sa ngayon ang malawakang kilos protesta sa bansang Hong Kong kaugnay sa isunusulong na Extradition Bill ng mga mambabatas.

Sa panayam ni Bombo Radyo Koronadal kay Bombo International Correspondent Dania Baylon ng Maibo, Tantangan, South Cotabato at isang Overseas Filipino WorkersOFW sa Sha Tin Che Kung Temple, Hong Kong, inihyag nito na hindi pabor ang mga OFW panukalang batas dahil kapag nakagawa ng kasalanan o krimen ang ang sino man ay dadalhin sa mainland China at doon isaailalim sa trial.

Inihayag din nito na iban na ang patakaran sa China kag sa Hong Kong dahil seperate country na ito.

Sa ngayon maraming nagpoprotesta na mga residente sa Central Hong Kong na nakaengkwentro na ng mga kapulisan bahil sa naging bayolenteng protesta.

Dagdag pa nito na ito na lamang ang magagawa ng mga mamamayan para mapigilan na manging isang batas ang extradition bill.