-- Advertisements --
OFW china wuhan coronavirus nCoV Henan

LA UNION – Mahigit isang linggo nang walang trabaho ang ilang mga overseas Filipino workers (OFWs) sa Kaifeng, Henan dahil sa paglaganap ng nCoV o new coronavirus sa bansang China.

Ito ang malungkot na pahayag ng dalawang Pinoy workers doon, sina Jerrold Pascua, tubong Candon City, Ilocos Sur at Dina Columbano, tubong Cabagan, Isabela at parehong nagtatrabaho sa isang hote.

Aniya, na mahirap ang sitwasyon nila ngayon at namomroblema si Pascua sa ipapadalang allowance ng kanyang anak sa Pilipinas.

Ayon kay Pascua at Columbano na dalawa na ang patay at mahigit 493 na ang tinamaan ng nCoV sa Henan province, na sa ngayon ay naka-lockdown ang naturang lugar para maiwasan na dumami ang bilang ng mga taong mahawaan ng virus.

Dahil dito apektado na ang amg trabaho, negosyo at transportasyon.

Dagdag pa dito, napakatahimik ang kanilang lugar dahil walang taong makikita sa labas at walang mga sasakyan na dumadaan.

Henan province china kaifeng

Gayunman, pabor sila sa ipinatupad na lockdown dahil para na rin ito sa kanilang kaligtasan.

Ang Kaifeng ay isang prefecture-level city sa east-central Henan province, China.

Isa sa mga walong Ancient capitals ng bansa at dito matatagpuan ang mga pamosong pasyalan gaya ng Millennium City Park at Iron Pagoda Park.