-- Advertisements --

Ilang daang Filipino ang makikibahagi sa COVID-19 vaccine trials sa United Arab Emirates.

Ayon sa Department of Foreign Affairs, nasa phase III trials na para sa potensiyal na bakuna ang Abu Dhabi-based technology company na Group 42 (G42) na mula Chinese company na Sinopharm at Abu Dhabi National Exhibition Center (ADNEC).

Mula pa noong July 16 ang bakuna ay sinubukan na sa 15,000 volunteers mula sa iba’t-ibang lahi kabilang na ang Filipino.

Mayroon ring 180 Filipino nurses at Filipino doctors ang nagtatrabaho sa lugar.

PInasalamatan naman ni Philippine Ambassador to the UAE Hjayceelyn M. Quintana ang mga Filipino dahil sa pakikibahagi sa nasabing trials.