-- Advertisements --
BAGUIO CITY – Apektado ang ilang overseas Filipino workers (OFWs) sa Hong Kong dahil sa malalaking kilos-protesta na isinasagawa doon.
Nag-aklas ang tinatayang nasa 1-milyong katao para ihayag ang kanilang pagkontra sa extradition bill sa Hong Kong.
Ayon kay Bombo international correspondent Elisa Ocden, isang domestic helper sa Hong Kong mula sa Baguio City, nitong Linggo ng hapon ay apektado ang mga kalsada doon dahil sa dami ng mga protesters.
Aniya, gabi na nang makauwi ang ilang mga kakilala niyang OFWs dahil sa mga naisarang daanan.
Gayunpaman, binanggit ni Ocden na “business as usual” ang kalagayan sa Hong Kong dahil hindi naman apektado ang mga business establishments sa naturang lugar sa kabila ng kaguluhang nagaganap doon.