NAGA CITY – Malaki umano ang epekto ng pansamantalang pagsuspinde ng operasyon ng itinuturing na pinakamalaking car factory sa buong mundo.
Sa report ni Bombo international correspondent Sylvia Espinosa, isa sa mga empleyado ng Hyundai sa South Korea, sinabi nitong simula kahapon hanggang sa Pebrero 11, wala muna silang trabaho dahil sa naturang kautusan ng kompaniya.
Umaabot sa 25,000 ang mga kawani ng naturang planta sa South Korea ang higanteng Ulsan complex.
Ayon kay Espinosa, dahil sa novel coronavirus outbreak sa China, pahirapan aniya ang pagpapadala ng mga spare parts na ginagamit sa paggawa ng sasakyan.
Aniya bagama’t may ibang bansa pa naman na pwedeng maging supplier ng mga spare parts, ngunit ang China aniya ang pangunahing supplier dahil mas mababa ang halaga rito kumpara sa ibang mga bansa.
Kaugnay nito, aminado si Espinosa na malaki ang epekto nito sa kanilang mga empelayo habang malaki rin aniya ang pwedeng mawala sa mismong kompaniya.
Sa kabila niyo, bagama’t pansamantalang mawawalan sila ng trabaho, mabuti na rin aniya ito dahil na rin sa mas lumalala pang kaso ng novel coronavirus lalo na South Korea.
Una nang naiulat na may mga empleyado mismo sa China na supplier ng mga spare parts ang nahawaan din ng nCoV.
Ang naturang planta ay kinikilala rin bilang world’s fifth-largest car manufacturer ay kayang makagawa ng 1.4 million na dami ng kotse kada taon.
Kung limang araw itong sarado, tinatayang malulugi ito ng aabot sa $500 million (P25-B).