-- Advertisements --

TACLOBAN CITY – Hindi pa rin umano nawawala ang takot na nadarama ng ilang sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Southern California matapos ang pagyanig noong nakaraang araw.

Sa ulat ni Bombo Correspondent Greg Hayot, tubong Catarman, Samar na kasalukuyang naninirahan sa Ridgecrest, California, hanggang ngayon ay hindi pa rin sila mapanatag dahil sa pangambang baka mayroon pang sumunod na mga pagyanig.

Ayon pa rito, dahil sa kanyang nararamdamang takot at trauma ay napagdesisyunan niya na bumalik na sa Pilipinas sa susunod na linggo at hindi na manirahan sa naturang bansa.

Sa ngayon ay marami pa rin aniya sa mga residente ng Ridgecrest ang nasa mga evacuation center habang hindi pa idinedeklarang ligtas ang kanilang mga tinitirahan at sumasailalim pa sa ocular inspection.

Samantala, ilan pa rin sa mga establishment ang sarado pa rin dahil sa naitalang malalaking bitak at iba pang danyos dulot ng lindol.