-- Advertisements --
DAVAO CITY – Nagpahayag ngayon ng takot ang ilang mga OFW sa Hong Kong kaugnay sa batas na maaaring madamay ang mga kababayan kung saan ang mga kriminal ay dadalhin sa mainland China.
Sa panayam ng Bombo Radyo Davao kay Buliin Preyur Gormis, OFW na taga-Gensan at nagtatrabaho sa Hong Kong, kanyang sinabi na tiniyak umano ng konsulada na protektado ang mga OFW sa batas ng ating bansa.
Sa kasalukuyan ligtas umano ang mga OFW dahil na rin sa paghihigpit ng kanilang mga amo na hindi muna lalabas habang nagkakagulo ang mga protestors at mga otoridad.