LAOAG CITY – Hindi na makakapagpadala ng pera ang ilang overseas Filipino workers (OFWs) sa bansang Bahrain para sa kanilang pamilya dito sa Pilipinas dahil ipinatutupad ang lockdown.
Sa panayam ng Bombo Radyo Laoag sa tatlong na OFWs, sinabi ni Mrs. Rose Agpalza Lucas, tubong Vintar, Ilocos Norte, nawalan na sila ng trabaho dahilan din na wala silang sweldo.
Sinabi naman ng kasama ni Lucas na si Evangeline Cortez, tubong Candon, Ilocos Sur ay umaasa na lang sila sa mga relief goods na ibinibigay ng embahada at kanilang kapilya.
Dagdag naman ni Marichu Ramelb, tubong Bacarra, Ilocos Norte na hindi naman lahat ng mga Pilipino sa Bahrian ay tumigil sa pagtatrabaho dahil ang ilan sa kanila ay nagpapatuloy ang trabaho at tumutulong sa kagaya nilang displaced workers.
Sa pamamagitan ng social media ay malalaman ng magkakasamang OFW ang mabibigyan ng relief goods kasama ang iba pang apektadong Pinoy sa bansang Bahrain dahil sa banta ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19).