-- Advertisements --

KORONADAL CITY- Duda ang ilang OFW sa Beirut, Lebanon na ammonium nitrate ang dahilan ng malawakang pagsabog sa lugar.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay Gie Deocampo, 11 taon ng OFW sa Beirut, Lebanon at tubong North Cotabato na hindi ito naniniwala na mula sa isang simpleng pagawaan ng paputok ang pagsabog dahil sa lakas ng pagsabog at pagyanig ng lupa na umabot pa malayong mga lugar.

Ibinahagi rin nito na maituring na pangalawang buhay ang nangyari sa kanya dahil hindi nabasag ang salamin ng bahay ng kanyang employer di katulad sa ibang mga pamamahay na nagdulot ng mga pinsala.

Sa ngayon patuloy pa rin silang nagbabantay sa karagdagang anunsyo mula sa Lebanese government ngunit nanatili sa bahay ng kanyang employer.