-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Takot ang nararamdaman ng ilang mga OFW sa bansang China sa pagbubukas ng ilang mga websites sa internet hinggil sa COVID 19.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay Joan Paquibot, isang OFW sa China, iniulat nito na marami na ang nabiktima na mga OFW na nawawalan ng pera kapag bubuksan nila ang mga sites na hinggil sa coronavirus.

Dagdag pa nito, sa tuwing mapag-uusapan nila sa kanilang “group chat” ang nasabing sakit ay bigla na lamang nawawala ang nasabing chatbox at hindi na ulit magagamit pa.

Kaya naman mas nagiging maingat pa sila sa pagbukas ng mga sites dahil sa mga nabiktima ng modus na ito.

Sa kabila nito, nagpapasalamat rin sila dahil mayroong mga empleyado ng konsulada ng Pilipinas doon na nagbibigay sa kanila ng datos at mga impormasyon hinggil sa COVID-19.

Ibinahagi rin nito na mayroong tumitingin at nagmo-monitor sa kanilang mga OFW.

Sa ngayon, patuloy ang pakikipag-ugnayan sa kanila ng konsulada na mag-ingat dahil sa patuloy na pagkalat ng COVID-19.