-- Advertisements --

CAUAYAN CITY – Naniniwala ang karamihan sa mga overseas Filipino workers (OFWs) sa Hong Kong na maging sila ay maapektuhan sa oras na maisabatas ang kontrobersiyal na extradition bill.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Catherine Entines Balisong, tubong Masbate, na ito angdahilan kung bakit mariing tinutulan daw nila ang nasabing panukalang batas.

Marami aniyang manggagawang Pinoy sa Hong Kong ang natatakot sa magiging epekto ng panukalang batas kaya marami ang balak na lang umuwi sa Pilipinas o kaya ay lumipat sa ibang bansa kapag naging batas ang extradition bill.