DAVAO CITY – Kahit na hindi pa ramdam ang tensiyon ngayon sa Iraq ng ilang mga overseas Filipino workers (OFW), todo dasal pa rin ang mga ito na walang sisiklab na kaguluhan sa katabing bansa nito na Iran.
Maalalang kamakailan ay napatay ng Estados Unidos sa isang airstrike ang isa sa mga top generals ng Islamic Republic na si Qasem Soleimani.
Sa pakikipag-ugnayan ng Bombo Radyo Davao, sinabi ni Lorina Acedo, tubong Davao City at kasalukuyang nagtratrabaho bilang domestic helper sa Al Yarmuk, Baghdad, Iraq, sinabi nito na hindi niya raw maiwasang matakoty lalo pa’t magkatabi lamang ang Iraq at Iran kaya’t posible silang madamay sa sigalot.
Napansin din aniya nito ang pabalik-balik na paglipad ng mga helicopter sa nasabing lugar.
Sakali umanong magbigay ng kautusan ang gobyerno ng Pilipinas na pauwiin na ang mga manggagawang Pinoy, nakahanda umano siya sumunod para sa kanyang kaligtasan.