ROXAS CITY – Nais na ngayon ng ilang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Iraq na nagtatrabaho sa isang ospital na makaalis sa bansa bago pa man lumala ang nagpapatuloy na kaguluhan sa Middle East.
Ito ang inihayag ng hindi na pinangalanang migrant worker sa naturang bansa sa panayam ng Bombo Radyo Roxas.
Ayon dito, naghihintay na lamang siya ng direktiba ng embahada ng Pilipinas sa naturang bansa para sa proseso na dapat nilang sundin upang lisanin ang lugar.
Aminado rin ito na labis na siyang natatakot kasunod ng pagpapakawala ng Iran ng mahigit isang dosenang missiles sa dalawang Iraqi bases na pinananatilihan ng US troops.
Ngunit may mga Pinoy rin umano ayon sa kaniya na nais na manatili dahil naninindigan rin ang mga ito na malayo ang kanilang pinagtatrabahuan sa lugar na pinangyayarihan ng gulo sa Iraq.