-- Advertisements --
GENERAL SANTOS CITY- Nagdadalawang-isip nang umuwi ng Pilipinas ang iilang mga OFWs sa Kuwait dahil sa total deployment ban.
Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Gensan kay Judy Rose San Luis, taga-Alabel, Sarangani Province at kasalukuyang namamasukang domestic helper sa Jaber Ali Al, Kuwait City na posibleng hindi na ito uuwi ng Pilipinas sa takot na hindi na makabalik sa kanyang trabaho.
Ayon kay San Luis, matatapos na ang kanyang kontrata ngayong buwan ng Abril at posibleng magpa-extend na lang sa kanyang amo.
Sa katunayan ay magbabakasyon pa sana daw siya sa Pilipinas sa mga susunod na buwan subalit nag-aalangan na baka hindi na makabalik pa kaya’t kakausapin na lamang ang amo nito kung maaari pa syang bigyan ng extension sa kontrata.