KALIBO, Aklan—Maaaninag sa mga mukha ng ilang overseas Filipino workers sa bansang Lebanon ang kaba, takot at kawalan ng tulog dulot ng mga pambomba ng Israeli Defense Forces bilang ganti sa Hezbollah kasunod sa pag-atake ng Iran sa bansang Israel.
Dahil dito, desidido na si Emie Segayo, Bombo International Correspondent sa Beirut, Lebanon na umuwi ng Pilipinas kahit na mahap pa nito ang kaniyang trabaho sa nasabing bansa.
Sa katunuyan aniya ay nakatakda ang kaniyang byahe pauwi ng bansa sa October 19 sa pamamagitan ng commercial flight.
Dagdag pa ni Segayo na hindi na ligtas ang mga mamamayan sa Beirut dahil sa magkasunod na pag-atake ng Israel na ikinasawi ng ilang katao.
Kahit saan aniya sa lugar pumunta hay maririnig ang mga malalakas na putok at pagsabog na nagdudulot sa kanila ng takot at trauma dahil sa mga nasasaksihan nitong gulo.
Kahit na wala siyang problema sa kaniyang employer at pinoprotektahan ito ay hindi na raw siya magpapapigil dahil kailangang makauwi siya ng buhay sa kaniyang pamilya na naghihintay dito sa Pilipinas.
Si Segayo ay tubong Zamboanga Del Norte sa Mindanao at mahigit 15 taon na nagtatrabaho bilang domestic helper sa bansang Lebanon.