Inaasahang mag-aanunsiyo na rin ang ilang oil companies ng kanilang ipatutupad na rollback para bukas.
Una nang nag-anunisyo ang Seaoil, PetroGazz at CleanFuel ng kanilang ipatutupad na rollback.
Ang Seaoil ay magpapatuapd ng rollback sa diesel na P1.85 kada litro habang sa gasolina at P1.20 kada litro.
Mas mataas naman ang kanilang rollback sa kerosene na P2.00.
Parehong adjustment ang ipatutupad ng PetroGazz at Cleanfuel maliban sa kerosene na hindi kasali sa kanilang produkto.
Ang Seaoil at PetroGazz ay magpapatupad ng oil price adjustment dakong alas-6:00 ng umaga bukas habang ang Cleanfuel ay magpapatupad dakong alas-12:01 mamayang madaling araw.
Inaanunsiyo ang oil price adjustment tuwing araw ng Lunes at agad namang ipinatutupad sa araw ng Martes.