Pansamantala munang isinara ng Land Transportation Office ang kanilang mga tanggapan sa National Capital Region dahil sa matinding pinsalang idinulot ng bagyong Carina.
Kinumpirma ito ng ahensya sa pamamagitan ng paglalabas ng abiso sa publiko.
Sa inilabas na abiso ng ahensya, hiningi nito ang pag-unawa sa publiko lalo na sa mga may transaksyon sa kanilang mga opisina.
Kabilang sa pansamantalang hindi makapag bibigay serbisyo ay ang Traffic Adjudication Section, New Registration Unit, at G. Araneta Licensing Section gayundin ang La Loma District Office sa LTO-NCR sa Quezon City.
Kaugnay nito, nagtayo ang ahensya ng public assistance desk na siyang magaasikaso sa mga magtutungong aplikante na hindi alam ang abiso.
Nagpapatuloy naman ang pagsasagawa nito ng paglilinis sa kanilang mga tanggapan na kung saan ay wala pa ring supply ng kuryente maging internet.
Sa ngayon, wala pang abiso kung kailan maibabalik ang kanilang serbisyo.
Humingi naman ito ng paumanhin sa publiko at hinikayat na umantabay sa kanilang mga information channel para sa kanilang mga abiso.