Dumating na sa 6th Infantry Division (6ID) Headquarters si Philippine National Police Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil para pangunahan ang peace covenant signing ng mga gubernatorial candidates sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Kasama rin sa mga dumalo sina Commission on Elections (COMELEC) Chairperson George Erwin Garcia at Bangsamoro Interim Chief Minister Abdulraof Macacua, na kapwa nagsusulong ng mapayapang halalan sa rehiyon.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo kay 6ID spokesperson LTC. Roden Orbon, kanyang inilahad na ito ang magiging pangunahing highlight ng isinagawang peace covenant sa rehiyon.
“Hindi lamang mga malalaking pangalan sa politika ang narito, kundi pati mga pinuno ng mga komisyong panghalalan ang aktibong lumahok. Isang patunay ito ng pagkakaisa para sa kapayapaan at maayos na halalan,” ani LTC. Orbon.
Layon ng aktibidad na pagtibayin ang pangako ng mga kandidato na pairalin ang katahimikan, respeto, at patas na laban ngayong eleksyon.