Nabunyag na demoralisado ang ilang mga opisyal ng Department of Environment and Natural Resources.
Partikular ang ilang Undersecretaries, Assistant Secretaries, Regional Directors at career officials ng DENR dahil sa anila’y pagtrato raw sa kanila ni Environment Secretary Antonia Yulo-Loyzaga.
Ayon sa DENR insiders, sa katunayan ay nais nang magbitiw sa pwesto ng maraming opisyal ng departamento lalo na’t nakakaladkad ngayon sa maraming kontrobersiya ang kagawaran at ang mismong kalihim.
Sinabi pa ng ibang sources na simula nang magisa sa congressional hearings si Yulo-Loyzaga ay nagiging iritable na ito.
Magugunitang una nang kinumpirma ni ACT partylist Rep. France Castro na dumulog sa kanyang tanggapan ang mga lider ng hindi bababa sa 1,000 magsasakang benepisyaryo sa ilalim ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP).
Kabilang sa mga dumulog ang mga magsasaka mula sa mga Barangay Decalachao, Guadalupe, San Jose, San Nicolas sa Coron at mga BArangay ng Quezon, New Busuanga, Cheey and Sto. Nino sa karatig bayan ng Busuanga.
Ayon kay Castro, kabilang sa kanilang iimbitahan sa pagdinig si Loyzaga.
Hinikayat ni Castro ang mga apektadong magsasaka na manindigan kontra sa mga oligarkong walang kinikilalang batas, kasabay ng pagtitiyak na patuloy na babantayan ng Kongreso ang aksyon ng gobyerno.
Sa tala ng Katipunan ng mga Samahang Magbubukid sa Timog Katagalugan o Kasama, hindi bababa sa 1,000 magsasakang benepisyaryo ang pinagkaitan ng lupang sakahan batay sa probisyong kalakip ng Republic Act 6657 o ang CARP Law.
Taong 2014 nang maglabas ng ulat ang National Fact Finding and Solidarity Mission (NFFSM) hinggil sa Yulo King Ranch na tinawag na “largest agrarian reform anomaly in the country.”