-- Advertisements --

Hindi sang-ayon ang ilang opisyal ng Department of Finance (DOF) sa planong pagpataw ng buwis sa mga maalat na pagkain.

Ayon kina Finance Undersecretary Karl Chua at Assistant Secretary Antonio Lambino III, na mas maiging i-regulate na lamang ito kaysa patawan ng buwis ang mga pagkain na maaalat.

Mayroon na rin aniyang technical working group na kinabibilangan ng DOF, Department of Trade and Industry na pangungunahan ng Department of Health na nag-aaral kung paano mabawasan ang konsumo ng mga pagkain na maaalat.

Prayoridad aniya ng mga ahensiya ang kalusugan ng mamamayan.

Magugunitang una nang iminungkahi ng DOH ang pagpataw ng maaalat na pagkain gaya ng tuyo, daing na pusit at kahalintulad dahil ito ang pangunahing pagkain na nagdudulot ng iba’t ibang mga sakit.