-- Advertisements --

Nagsagawa ng ocular inspection sa New Bilibid Prison sa Poblacion, Muntinlupa City ang ilang opisyal ng Department of Justice sa pangunguna ni Justice Asec. Mico Clavabo.

Layunin nito na personal na alamin ang sitwasyon ng mga bilanggo sa nasabing piitan.

Bahagi na rin ng kanilang pangangalap ng mga litrato at footages ng mga congested prison sa bansa na nakatakdang ipresenta sa gaganaping National Jail Decongestion Summit sa darating na Disyembre 6 hanggang 7, 2023 na inorganisa naman ng Supreme Court, Department of Justice, at Department of the Interior and Local Government.

Kung maaalala, isa ang National Bilibid Prison sa mga bilangguang ang pangunahing problema ay ang pagsisiksikan ng mga bilanggo.

Sa ngayon kasi ay lagpas na kapasidad nito ang bilang ng mga persons deprived of liberty na kasalukuyang nakapiit ngayon sa bilibid.

Ito ang dahilan ng siksikan, kakulangan sa pasilidad, at limtadong access sa mga essential services.

Ang sitwasyong ito ay nangangailangan ng sama-samang pagsisikap ng pamahalaan upang matugunan ang isyu at magpasimula ng mga komprehensibong reporma.