-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY-Hinikayat ni DOLE-10 Director Albert Gutib ang mga empleyado na magpahanggang ngayon ay hindi parin nabigyan ng 13th month pay na pakiusapan na lamang ang kanilang mga employer.

Ayon kay Gutib, sa ganitong paraan ay mapapanatili umano ang magandang relasyon sa pagitan ng mga employer at empleyado.

Base sa Presidential Decree No. 851, inoobliga nito ang mga employer na bigyan ang kanilang mga empleyado ng 13th month pay.