Sinupla ni Caloocan Bishop Pablo Virgilio David ang Philippine National Police matapos na isama ito sa kasong sedation.
May kaugnayan ito sa pagdawit kay David at ilang mga opisyal ng simbahan ganun din sa mga opisyal na tumutuligsa kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Idinaan na lamang ni David sa isang utos sa Ten Commandments na “Thou shall not bear false witness against neighbor”.
Wala aniyang kuwenta ang nasabing kaso sa kaniya at hindi ito makatarungan.
Malinaw aniya ang motibo na isang harassment na nararapat na imbesitgahang mabuti ng mga kapulisan.
Sa panig naman ng Catholic Bishop Conference of the Philippines (CBCP) Bishop Broderick Pabillo, ang Chairperson ng Episcopal Commission on the Laity, na isang malaking harassment sa mga tauhan ng simbahan.