Sinibak sa puwesto ang ilang opsiyal ng Navy submarine na tumama sa undersea mountain noong nakaraang buwan sa South China Sea.
Base sa statement ng Japan-based U.S. 7th Fleet, sinibak sina Cmdr. Cameron Aljilani, second-in-command, Lt. Cmdr. Patrick Cashin, at ang chief nila na si Master Chief Sonar Technician Cory Rodgers dahil sa “loss of confidence.”
Sinasabing naiwasan sana ang naturang pangyayari kung nagkaroon lamang ang liderato ng 7th Fleet ng “determined sound judgement” at “prudent decision-making and aherence to required procedures” pagdating sa navigation planning.
Hindi naman na idinetalye pa ng Navy kung paano nabigo ang liderato ng 7th Fleet naiwasan ang pangyayari.
Sa ngayon, nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon ng Submarine Force Pacific sa insidente.
Magugunita na 11 tripulante ang nagtamo ng injury sa aksidente, pero ayon sa mga opisyal hindi naman malubha ang kondisyon ng mga ito.
Ang USS Connecticut ay isang Seawolf class nuclear attack submarine na nagkakahalaga ng $3 billion bawat isa.