-- Advertisements --

Naka-quarantine ngayon ang chairman ng joint chiefs of staff at ilang military leaders matapos na makasalamuha nila ang isang senior Coast Guard official na nagpositibo sa coronavirus.

Bagamat negatibo sa COVID-19 test sina General Mark Miley at ang hepe ng Army, Navy at Air Force ay minabuti nilang manatili sa quarantine.

Kabilang sa naka-quarantine din ang head ng US Cyber Command na si General Paul Nakasone.

Nanatiling nasa bahay sila nagtatrabaho at tiniyak nila na hindi apektado ang kahandaan ng military.

Umaabot sa 14 offiicials ang pinaniniwalaan na na-exposed sa virus matapos ang pakikipag-pulong nila noong nakaraang linggo kay vice commandant ng Coast Guard na si Adm. Charles W. Ray.

Hindi naman malinaw kung paano nakuha ni Ray ang virus.