-- Advertisements --
Kinumpirma ng Japan ang tatlong naitalang bagong tatlong kaso na kinapitan ng Omicron variant ng COVID-19.
Iniulat ni Osaka Governor Hirofumi Yoshimura na ang naturang kaso ay nagmula sa prefecture ng Osaka.
Nagtataka raw sila na hindi naman bumiyahe sa ibang bansa ang mga pasyente.
Nangangamba tuloy sila na baka ito na ang unang suspected instance ng community spread infection sa Osaka at sa kanilang bansa.
Dahil sa naturang pangamba, ang tinaguriang world’s third-largest economy, ay nagpatupad na nang paghihigpit pa sa border restrictions na pinakamahigpit sa buong mundo at ang pagpapabilis sa booster shots sa kanilang mamamayan.