-- Advertisements --
Nagbabala ang PAGASA (Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services) sa posibleng katam-taman hanggang malakas na pag-ulan sa Metro Manila ngayong hapon.
Ito’y ilang oras na lamang bago ang State of the Union Address ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Quezon City.
Sa PAGASA advisory kaninang alas-1:21 ng hapon, posibleng umulan sa susunod na dalawang oras sa Metro Manila, gayundin sa Bulacan at Tarlac.
Kasabay nito ay inabisuhan ng PAGASA ang mga residente na maginig alerto sa mga pagbaha at pagguho ng lupa.
Una nang inihayag ng PAGASA na nakakaapekto ang southwest monsoon sa extreme Northern Luzon, habang isolated rainshowers bunsod ng localized thunderstorms sa iba pang bahagi ng bansa.