-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Halos puno na ng mga COVID-19 patients ang ilang ospital sa rehiyon, kabilang na ang Adela Serra Ty Memorial Medical Center ( ASTMMC ).

Maliban sa kasalukuyang naka-admit sa mga ito, marami rin ang bilang ng mga pasyente na naghihintay sa holding areas ng mga ospital.

Sa ASTMMC lamang, umabot na sa kabuuang 312 ang COVID-19 patients.

Ang nasabing ospital ang pangunahing government hospital sa lalawigan ng Surigao del Sur at nagsisilbing referral hospital para sa COVID related patients sa Caraga Region.

Samantala, sa Butuan Doctor Hospital naman, umabot na sila sa full capacity para sa mga COVID-19 patients.

Kaya naman sa ngayon ay hindi muna sila tatanggap ng COVID-19 cases.