CEBU CITY – Ilang mga ospital sa Cebu City ang nahihirapan ngayon sa pinansyal na aspeto dahil hindi pa nababayaran ng Philhealth.
Ito ang nadiskubrehan sa naging pagbisita ni Cebu City Acting Mayor Mike Rama kung saan lumibot ito sa mga major hospital sa lungsod noong nakaraang araw.
Binisita nito ang Chong Hua Hospital – Fuente Branch, Cebu Doctors’ University Hospital at ang Perpetual Succour Hospital, ito ay para malaman ng opisyal ang kasalukuyang hina-ing at sitwasyon ng mga nasabing ospital.
Sa isang exclusibong interview ng Bombo Radyo Cebu, iginiit ni Rama na may mga ospital pa, ang wala pa nakukuha ang kanilang COVID-19 package reimbursement galing sa State Insurer.
Bunsod pa ito sa mga report, napupuno na ang mga ospital dahil sa nayayaring COVID-19 surge sa lungsod .
Dagdag pa nito na may isang ospital ang abot sa kalahating bilyon pesos ang hindi pa babayaran ng Philhealth. Kung kaya’t may ospital ang nahihirapan sa kanilang operational cost dahil sa kakulangan ng pondo.
Subalit, binigyang diin ni Rama na hindi ito ang pinaka rason kung bakit hindi na tumatanggap ng pasyente ang mga ospital. Iginiit sa opisyal na ito ay dahil sa napupuno na matapos dinagsa nang mga pasyenteng nahihirapan na huminga.
Dagdag pa nito, na nagkukulang parin sa mga nurse at doctor ang mga nasabing ospital kung kaya’t hindi makapagbukas ng karagdagang COVID wards na makakatulong sana sa influx ng mga pasyente sa ospital.