-- Advertisements --
Inamin ni Comelec Comm. Rowena Guanzon na atrasado na ang pagpapadala nila ng balota para sa ibang overseas absentee voters dahil sa problema sa budget.
Ayon kay Guanzon, malaki ang nagastos ng poll body sa postal stamps kaya hindi lahat nabigyan ng official ballot.
Paliwanag nito, kahit naaprubahan na ang 2019 budget, hindi naman ito agad naipamahagi sa lahat ng tanggapan na may request para sa pondo.
Sa kabila nito, umaasa ang Comelec na maihahabol pa rin ang naturang mga balota bago magtapos ang overseas absentee voting para sa 2019 midterm elections.
Ang halalan sa ibayong dagat ay nagsimula noong Abril 13 at magtatapos sa Mayo 13, 2019.
Habang ang local absentee voting ay sa Abril 29-30 at Mayo 1, 2019.