-- Advertisements --

DAVAO CITY – Nagkansela ng face-to-face classes sa ilang paaralan sa Davao Region dahil sa naranasan na pag-ulan dahil sa epekto ng shearline.

Ayon sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), mayroong kabuuang 27 ang naitalang nagsuspende ng klase.

Kabilang dito ang ilang klase sa lahat ng antas ng pribado at pampublikong paaralan sa Davao de Oro, Davao Oriental, Davao del Norte, Davao Occidental at Davao City.

Kasama ang trabaho ng mga apektadong probinsya, may ilang LGUs na nagsuspinde rin.

Sa pinakahuling ulat ng NDRRMC, labing-isang lugar sa Davao Region ang binaha pa rin.

Nasa 40,000 indibidwal din ang apektado ng sama ng panahon sa Davao Region, lalo na sa Davao de Oro, Davao Occidental at Davao Oriental.

Samantala, halos pitong libong pamilya ang nasa evacuation areas.