Makalipas ang dalawang linggong school break sa Sri Lanka ay muli nang babalik ang ilang mga estudyante sa kanilang mga eskwelahan.
Nagkaroon ng search operation ang Sri Lankan security forces at ilan pang mga pulis ngayong linggo bago ang school reopening upang siyasatin kung anong mga sira ang dinulot ng pambobomba at kung anong paraan pa ang pwedeng gawin para maayos ito.
Ayon sa Sri Lankan government, mga High School students pa lamang ang papayagan nilang magbalik-eskwela sa linggong ito.
Ang mga elementary students naman ay sa susunod pa na linggo makakabalik.
Sa kabila naman ng desisyon ng gobyerno, Nagpahayag si Cardinal Malcolm Ranjith na hindi muna magbubukas ang mga catholic schools doon dahil mapanganib pa ang sitwasyon lalo na’t mga simbahan ang napuruhan sa pambobomba.
Sa ngayon ay patuloy pa rin ang mga seguridad sa kanilang search operation upang maghanap kung may naiwan pang mga bomba at armas sa ilang mga bahagi ng Sri Lanka.