-- Advertisements --

ILOILO CITY – Total blackout ngayon sa ilang Pacific island nations kasunod ng nangyaring volcanic eruption sa Tonga.

Ayon kay Bombo International Correspondent Marijoe Gaje Manlangit direkta sa Cook Islands, sinabi nito na via sattelite lamang ang komunikasyon ng mga apektadong lugar.

Anya, maliban sa Cook Islands, naramdaman rin ang volcanic eruptions sa New Zealand, Australia, Samoa, Fiji, at Vanuatu.

Umalma rin ang mga Pacific island nations dahil hindi naglabas ng tsunami warning ang Tonga kasunod nga pagsabog ng seamount volcano.