-- Advertisements --

Binago ng Africa Centers for Disease Control and Prevention (CDC) at World Health Organization (WHO) ang Continental Response Plan para sa mpox upang matugunan ang patuloy na pagkalat nito sa iba’t-ibang lugar.

Ang mpox ay isang viral disease na naipapasa sa tao sa pamamagitan ng malapitang pakikisalamuha, at nagdudulot ito ng masakit at nakakapinsalang mga sugat.

Noong 2024, idineklara ng Africa CDC at WHO na ang mpox bilang isang Public Health Emergency dahil sa mabilis nitong pagkalat.

Sa Africa, mabilis na dumami ang mpox mula sa Democratic Republic of the Congo patungo sa iba’t-ibang karatig-bansa, kabilang ang South Africa at Zambia.

Umabot na sa 28 bansa ang naiulat na kaso ng mpox, na karamihan ay mula sa clade Ib variant.

Mahigit 650,000 doses ng bakuna ang naibigay sa 6 na bansa, at pinalalakas pa ang diagnostic testing at laboratoryo sa Democratic Republic of Congo.

Sa kabila nito, nananatili ang hamon ng kawalan ng seguridad at pondo, kaya’t pinagtutuunan ang pagsama ng mpox sa regular na health services.