Plano ngayon ng Department of Transportation (DOTr) na dagdagan ang pagpapasailalim sa privatization ng mga paliparan sa bansa.
Layon nito ay para mapagaan ang trabaho ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na siyang nagiging operator at regulator ng halos lahat ng paliparan ng bansa.
Sinabi ni DOTr Undersecretary for Aviation and Airports Roberto Lim na sa susunod na linggo ay magkakaroon ng kasunduan ang ahensiya sa isang private company para sa maintenance ng Laguindigan Airport sa Misamis Oriental.
Dagdag pa nito na ang nasabing proyekto ay nagkakahalaga ng P12.75 bilyon para sa 30-taon na consession period.
Ilan sa mga nakalinyang sasailalim sa posibleng public private partnership deal ay ang mga paliparan sa Iloilo, Puerto Princesa at sa Kalibo.
Sa kabuuang 90 na paliparan sa bansa kabilang ang mga maliliit na airports sa mga isla ay lima lamang sa mga dito ay ang inooperate ng private companies at ito ay kinabibilangan ng Ninoy Aquino International Airport, Mactan-Cebu International Airport, Clark International Airport, Caticlan Airport, at Laguindingan Airport .