Normal pa rin ang operasyon ng mga paliparan sa malaking bahagi ng Mindanao Peninsula .
Ito’y matapos yanigin ng Magnitude 7.4 na lindol ang probinsya ng Surigao Del Sur nito lamang sabado.
Sa isang pahayag sinabi ng Civil Aviation Authority of the Philippines na walang naitalang pinsala sa ilang facilities ng Butuan Airport, Surigao Airport, Siargao Airport, Tandag Airport, Bislig Airport.
Hindi rin nagdulot ng mga pagkasira ang nasabing lindol sa General Santos International Airport, Cotabato Airport, Allah Valley Airport, at Mati Airport.
Samantala, nagkaroon naman ng minor damage ang Davao International Airport matapos na mabitak ang isang tiles sa pader ng elevator ng nasabing paliparan.
Nagpapatuloy naman ang isinasagawang monitoring ng Quick Response Team sa mga runways ng mga paliparan sa Mindanao.
Patuloy rin ang kanilang assessment sa mga naging pinsala ng lindol sa mga airport sa rehiyon.